top of page
MENU
NEXTWAVE MUSIC
Close
Home
About
Youtube
Videos
Search
Music Videos
All Videos
Play Video
Play Video
04:17
TINIG LYRIC VIDEO - ft. Jec Santos
Isang makapangyarihang awitin na naglalahad ng kwento ng isang lalaking mula pagkabata ay ginawang sandigan ang musika—ang naging daan niya para magsumikap at magtagumpay. Siya ang responsableng haligi ng pamilya, laging kasama sa hirap at ginhawa ng kanyang minamahal. Sa kabila ng mga pagtataksil, mabibigat na pagsubok, at sa sitwasyon ng kanyang ina, pinili pa rin niyang maging matatag—ang maging lakas ng loob at inspirasyon para sa lahat ng nangangailangan ng tunay na pagmamahal. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: JEC SANTOS Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "TINIG" [verse 1] bata palang nung aking masaksihan kung pano ang musika ang nasandalan sa himig ng buhay ko aking dinaan kahit na mahirap aking sasabayan dala dala ko ang gitarang pamana kahit na saan basta kasama ang banda dina titinag kahit saan pang kalsada para sa pamilya ko di ma popornada [Pre -chorus] kahit pa na iwanan ako hinding hindi ako basta mapapahinto mag niningning kahit madilim man ang yugto sumama ka sa akin at sabay natin na [chorus] isigaw ng malakas ako bida ang tinig at musika aking medisina pag ibig pamilya ko aking enerhiya sa laban na to hindi ka pwede mahina sige isigaw ng malakas ako diba ang tinig at musika aking medisina di matitibag kahit ano pang problema sa awitin na to lahat tayo ang bibida [2nd verse] salamat sa aking ama at ina sila inspirasyon simula nag umpisa sandigan at suporta na pinapadama kaya hinding hindi nyo ako basta basta magigiba madami man ang sakin di naniniwala sa kaya ko at gusto ko na ipakita kahit dumami pa ang mga kontrabida isa lang ang masasabi ko sayo wag kang hangal [pre chorus/Bridge] kung babagsak man ako ay babangon muli wala nang sasayangin pang mga sandali abutin aking pangarap kahit di madali kung katulad mo ako halika na't sabay nating isigaw [chorus] isigaw ng malakas ako bida ang tinig at musika aking medisina pag ibig pamilya ko aking enerhiya sa laban na to hindi ka pwede mahina sige isigaw ng malakas ako bida ang tinig at musika aking medisina di matitibag kahit ano pang problema sa awitin na to lahat tayo ang bibida Ahhhhhh.. MUSIC VIDEO SOON ...
Play Video
Play Video
02:40
SALAMAT NEXTWAVE LYRIC VIDEO - ft. Jec Santos, Zak Kie, Iron Flores
“Salamat, Nextwave” ay isang taos-pusong pagpupugay sa lakas ng pagkakaisa, pakikipagkapwa, at pag-ibig. Sa mundong puno ng pagbabago at kawalang-kasiguruhan, isinasalaysay ng bidyong ito ang kwento ng isang grupo na hindi lang basta naging team—kundi naging pamilya. Sa bawat hamon, tagumpay, at mga tahimik na sandali sa pagitan, nanatili silang magkasama—paalala sa ating lahat na bawat isa ay karapat-dapat na maramdaman na siya ay nakikita, sinusuportahan, at minamahal. Ito ay pasasalamat sa bawat paglalakbay, sa bawat tinig, at sa matibay na samahan na nagbigay saysay sa pangalang Nextwave—dahil higit pa ito sa isang pangalan, ito ay naging tahanan. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: JEC SANTOS, ZAK KIE, IRON FLORES Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SALAMAT NEXTWAVE" Intro Woah, Lets go Next wave (Verse1) Kamusta ka na? oh mahal kong kaibigan Alam ko na meron kang pinag dadaanan Kahit hindi mo naman sakin aminin Ramdam ko na meron kang gusto na sabihin Kakampi ako sa mga lihim mong laban Pamilya kaibigan mo ang iyong sandalan Dahil ikaw din ang aking karamay Nung panahon na Walang gusto na dumamay (Chorus) Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado (Verse2) Di mo na kailangan pang itanging Masaya pag kasama na Ang kaibigan kong Kay sarap kasama Mapa gabi man yan o mapa umaga Dahil kayo ang aking hiling Hangang sa huli gusto kayo padin ang kaibigan Na makakasama hangang pag tanda kayo ang gustong maging tropa (Chorus2) Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Maraming salamat sayo Dahil hindi sinukuan yung dating ako Na palaging mali at puro lang negatibo Kayo yung nandiyan nung di ako sigurado Kaya salamat (next wave) sayo MUSIC VIDEO - SOON
Play Video
Play Video
04:02
SAPAT NA LYRIC VIDEO - ft. Sky Nape
Ang awiting “Sapat Na” ay isang makabagbag-damdaming kwento ng pag-ibig na hindi ipinaglaban, ngunit piniling pahalagahan sa tahimik na paraan. Ipinapakita ng kanta ang sakripisyo ng isang taong marunong magparaya—ang taong handang magmahal kahit walang kapalit, at masayang makita ang minamahal na masaya, kahit hindi siya ang kasama. Sa bawat linya, ramdam ang tagpo ng lihim na pag-ibig—mga titig na may kahulugan, mga pangarap na di nasambit, at mga dasal na sana ay magtagpo rin sa tamang panahon. Ngunit sa dulo, pinipili ng puso ang katahimikan at dignidad, dahil minsan, ang tunay na pagmamahal ay ang pagpapalaya. Ang “Sapat Na” ay awit ng pagpapakumbaba, pagparaya, at tahimik na pag-ibig—isang pagpapatunay na kahit walang “kami,” sapat na ang may “ikaw” sa puso. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: SKY NAPE Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SAPAT NA" Final Story : Trilogy Song (Alon ng Boses & Mundo) [Verse 1] Di ko di naman mawari kung pano napaibig sa iba ang sigaw Di ba pwede na mapa sakin ka? kahit na kunwari basta nandiyan ka Sa aking tabi kahit pa na sandali pangako ikaw lang ang mamahalin [Chorus] Sapat na sa akin na hindi talaga ako ang kasama hanggang sa pagtanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba [Verse 2] Kay daming mga tanong at pahiwatig na baka sakaling totoo ang mga pinaramdam Pero hindi ko sisirain ang tiwala mo mas pipiliin ko na kaibigan at di ang gusto [Pre Chorus] Na mahalin ka kahit na palihim sa panaginip ko ikay kapiling [Chorus] Sapat na sa akin na hindi Talaga ako ang kasama hangang pag tanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba [Bridge] ito ay lihim na hiling sa Poon na mahalin ako kahit na sa iba pang panahon hindi man ako ang yong tugon sapat ng magkaibigan lang tayo ngayon [Final Chorus] Sapat na sa akin na hindi Talaga ako ang kasama hangang pag tanda Sapat na sa akin na makita kita na masaya sa piling man ng iba SOON TO RELEASED THE MUSIC VIDEO.
Play Video
Play Video
04:18
SANDIGAN LYRIC VIDEO - ft. Iron Flores
Ipinagmamalaki ng Nextwave na ihatid ang kanilang pinakabagong inspirasyonal na awitin, "SANDIGAN" — isang makapangyarihang kanta na iniaalay para sa lahat ng matitibay na taong sa wakas ay pinili munang unahin ang kanilang sarili, matapos ang mahabang panahon ng palaging inuuna ang iba. Ito ay handog para sa mga breadwinner, sa mga patuloy na naghahanap ng liwanag sa gitna ng pagod at laban ng buhay, at sa mga taong lubos na nagpapasalamat sa mga kaibigang nagsilbing sandigan sa oras ng panghihina. 🎵 Ito ang ating awitin ng pasasalamat at pagkakaroon ng lakas ng loob na piliin ang sarili. “Ako naman muna ang pipili sa sarili, salamat sa mga nanatili. Kayo ang tanging kong lakas…” Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: IRON FLORES Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA Lyrics of "SANDIGAN" (Verse1) Madami man labang daraanan Patuloy parin ako sa pag lalakbay at kahit sarili ang sandigan Para sa pamilya ko'y handang lumaban (Pre-chorus) kahit mapagod di titigil hangang sa aking maabot ang mga pangarap na ang tinig ko ang syang tanging sayo (Chorus) Ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas sa nakakapagod na landas at ako ang kasama mo hangang sa wakas (Verse2) Alam ko ang buhay di karera kaya dahan dahan lang ang aking hakbang Madilim man ang aking daraanan Alam kong liwanag din ay makakakamtan (Pre-chorus) Ang aral na dulot ng kaibigan ang syang inspirasyon Darating din yung mga araw na hiling mula pa noon (Chorus) Ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas sa nakakapagod na landas at ako ang kasama mo hangang sa wakas (Bridge) Ohhh Hangang wakas Kayo ang aking syang lakas (Final Chorus) Ako ako naman na muna ang pipili sa sarili salamat sa mga nanatili Kayo ang tangi kong lakas Sa nakakapagod na landas At ako ang kasama mo hangang sa wakas Hmm …. Sa wakas
Play Video
Play Video
04:52
ANGEL FROM NOWHERE LYRIC VIDEO - ft. Yuki San
Ang awitin ay tungkol sa isang taong nag-iisa sa gabi, nakatanaw sa buwan at iniisip ang isang espesyal na taong minsan niyang nakasama sa ilalim ng kalangitan. Habang lumilipas ang oras, hindi niya maiwasang manalangin sa mga bituin na sana ay muli niyang makita ang taong iyon sa kanyang panaginip. Ipinapahayag ng kanta ang matinding damdamin ng pag-ibig at pagnanais na makatakas sa realidad, kahit sa sandaling panaginip lang — basta’t magkasama silang dalawa. Ang persona sa kanta ay nakakaramdam ng kaligayahan at “high” tuwing kasama ang minamahal, na parang ito ang “angel from nowhere” o anghel na biglang dumating upang iligtas siya sa lungkot. Sa dulo, ipinapakita na naniniwala siya na ang tadhana ay hindi malupit dahil dumating ang taong ito sa buhay niya — isang anghel na nagbibigay saysay, pag-asa, at buhay sa kanyang mundo. Composed by : JAIRA MAYUS & YUKI SAN Interpreted by : YUKI SAN Mixed & Mastered by : TONECRAFT STUDIO Music Produced by : NEXTWAVE MUSIC Lyrics of "ANGEL FROM NOWHERE" (Verse 1) just another night, the moon is shining bright, im by the window just counting the cars passing by... (Verse 2) i got you in my mind, been thinking bout the time, we shared a moment under the skies... (Pre chorus) so i pray, to the stars, that i'll see you in my dreams tonight... 'coz im losing the fight, i dont know if I can hold it inside... (Chorus) are you the angel from nowhere, who will save me tonight... and you'll take me in your arms as we start to take flight... to escape this reality just to feel alive, anywhere with you is fine....'coz you feel so right (Verse 3) boy you get me high, with everything you do, i get so lost in the moment when im with you (Verse 4) you're like the sweetest drug i'll never get enough, you showed me just what it's like to be loved (Pre chorus) so i pray to the stars, that i'll see you in my dreams tonight coz' im losing the fight, o‘Coz il losing the fight (Chorus) are you the angel from nowhere, who will save me tonight... and you'll take me in your arms as we start to take flight... to escape this reality just to feel alive, anywhere with you is fine....'coz you feel so right (Bridge) the fates aren't cruel as people say coz' i....i know i got you here to stay... (Chorus) are you the angel from nowhere, who will save me tonight... and you'll take me in your arms as we start to take flight... to escape this reality to feel alive, anywhere with you is fine....'coz you feel like my angel from nowhere, who will save me tonight... and you'll take me in your arms as we start to take flight... to escape this reality just to feel alive, anywhere with you is fine....'coz you feel so right you’re my angel from nowhere oh oh oh oh oh oh woah;
Play Video
Play Video
04:12
MUNDO LYRIC VIDEO - ft. Ian Montero & Shell Labanon
Sequel Story ng Alon ng Boses - Ang "MUNDO" ay isang awit tungkol sa isang pag-ibig na bawal ipagsigawan — isang forbidden love na kahit maraming humahadlang, mas pinipili pa rin ng dalawang puso na manatiling magkadikit, kahit sa katahimikan lamang. Sa bawat liriko, naroon ang pangungulila at pananabik, ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-asa. Pag-asa na darating ang araw kung kailan malaya na nilang maipapahayag ang kanilang pagmamahalan, kahit na ngayon ay ikinukubli lamang nila ito sa ilalim ng mga bituin, sa lihim na pag-ikot ng kanilang sariling “mundo.” Sa dulo, ipinapakita ng kanta na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, ang tibok ng puso ay mananatiling tapat. Sapagkat sa kanilang “mundo,” kahit bawal at tahimik, ang pagmamahalan ay tunay at totoo. Composed by: Nextwave Music (JAIRA MAYUS) Interpreted by: IAN MONTERO & SHELL LABANON Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : PALZKI ALOVERA Visual Concept by : JEA "MUNDO" Lyrics (Verse1) Sa Bawat tingin sayong Mata ay ramdam ko na ang lihim na gustong isigaw na mahal kita oh ma aantay ba? na dumating yung araw na isasayaw ka (Pre-chorus) Sa gitna ng ulan habang hawak ko ang iyong kamay sabay tayong hihimlay (Chorus) Ikaw ang tanging mundo kahit magulo isisigaw ko ay tanging pangalan mo Oh kahit na hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon (Verse2) Slow Rap Nakaw man ang sandali na makasama ka sa pag ibig natin na tila isang pelikula kahit pa madaming may ayaw pagibig mangingibabaw at hindi ako susuko hangang dumating yung araw Na handa nang humarap at isigaw sa may kapal at sabay na sasabihin hanap ko tanging ikaw handang handa kitang piliin kahit di mo man pilitin sa mundo na binuo ikaw ang tinging iibigin (Pre-chorus) gusto kong sabihin sayo na mahal kita at ikaw ang pipiliin ko hangang pag tanda kahit palihim ay paparoon walang hangan ang tali yan ang aking tugon (Chorus) ikaw ang tanging mundo kahit magulo isisigaw ko ay tanging pangalan mo kahit na hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon (Final chorus) kahit hindi pa tamang panahon andito lang ako mahal pangako yon MUSIC VIDEO will be released SOON
Play Video
Play Video
04:04
ALON NG BOSES LYRIC VIDEO - Ft. Maximus Torejas
“Sa Alon ng Boses Mo” ay isang awitin ng pag-ibig na nagsimula sa simpleng pagkakakilala at unti-unting nahulog dahil sa tinig at presensya ng isang tao. Isinasalaysay nito ang kwento ng dalawang pusong pinaglapit ng musika, pag-asa, at pangarap na magkasama kahit may distansya. Composed by: JAIRA MAYUS Interpreted by: MAXIMUS TOREJAS Mixed & Mastered by : Tonecraft Studio (JEC SANTOS) Lyrics Arranged by : ZAKIE Beat/Instrumental Produced by : MUFA Visual Concept by : JEA "ALON NG BOSES" (Verse 1) Nung una kita na marinig Umawit Ako ay sumubok Nabakasakali na marinig Sayo Ang awit na paborito Minsan lang ako pumarito Sa tinig mo ay na hulog ako Parang tadhana ko mapasayo (Chorus 1) Dahil Sa alon ng boses mo parang ako ay napana ni cupido Papalapit na sayo Kahit malayo Hangang dumating at pwedeng maging tayo Mamahalin kita Aking sinta hangang makasama kana (Verse 2) Diba't ikaw ay nag tanong kung anong magandang kanta di namalayan na dun pala tayo mag sisimula katabi kita matulog sa telepono ko tila ba pag subok makasama ka o kahit na distansiya ang layo mamahalin ka (Chorus 2) Dahil Sa alon ng boses mo parang ako ay napana ni cupido Papalapit na sayo Kahit malayo Hangang dumating at pwedeng maging tayo Mamahalin kita Aking sinta hangang makasama kana (Bridge) Sanay wala nang hadlang Sa pag mamahalan Darating din yung araw na Ikaw at ako ay Magiging isa (Final Chorus) Dahil Sa alon ng boses mo parang ako ay napana ni cupido Papalapit na sayo Kahit malayo Hangang dumating at pwedeng maging tayo Mamahalin kita Aking sinta hangang makasama kana
bottom of page